Friday, November 5, 2010

Getting directions from Google Maps

I just heard this over a radio station until I found out for myself. Just follow the instructions here and find it out.

  1. Go to Google Maps
  2. Click "Get Directions"
  3. Type "China" in text box A and "Taiwan" in text box B.
  4. Click "Get Directions"
This is what you'll get.
Note: Click picture to enlarge. :D

Thursday, October 21, 2010

Evolution of a geek

For those geeks, check your evolution here.

Click here to view full picture

Monday, September 20, 2010

Alternative courses

Sa mga students, kung tinatamad kayo sa mga courses ninyo sa college you can check these alternative courses for your pleasure.

Thursday, September 9, 2010

Note reading exercise

Sa mga musikero diyan na nagbabasa ng mga nota, subukan ninyong basahin ito.

Sunday, September 5, 2010

Anime came alive

Who would ever think that anime characters are not real? Mr. Pogi (Mr. Satan) is one of them.

Friday, September 3, 2010

Only in the Philippines

Aftermath of the hostage crisis in the Philippines...

Tama ba ito?

Gawin bang field trip ito?
What's worse is this!!!

Proud pa kayo sa mga ganito ha?

Only in the Philippines...

Tuesday, August 31, 2010

Lego Street Shootout

Being a lego fan, I just love this. Never thought that lego could be so hard core. Hehehe!

Monday, August 30, 2010

U-Stream emoticons

Sa mga naghahanap ng mga u-stream emoticons, you can check it out here.

Sunday, August 29, 2010

Web Browsers

Sa mga naghahanap ng mga mabibilis na web browsers para maipalabas yung website na gustong matignan, I hope this would help you guys decide sa kung ano ang mas ok.

Thursday, August 26, 2010

Sa mga adik sa Hello Kitty

Kung hindi pa kayo makuntento sa mga Hello Kitty na sasakyan (which may nakita ako sa may Robinsons Galleria one time) o kahit mga Hello Kitty na gadgets, malamang e magugustuhan ito ng mga Hello Kitty addicts.


Bibili kaya kayo ng ganito? Saan kaya merong ganito dito sa Pinas? Hmm....

Monday, August 23, 2010

On the Quirino Grandstand Hostage Taking

No wonder sablay ang PNP during the hostage taking. Look what they are using as practice.
Mga kuya, try ninyo kaya yung Counterstrike para mahasa kay doon. May mga hostages kasi doon e.

Tuesday, August 3, 2010

Nakamamatay nga e

Kung may napansin kayong ganito, sundin ninyo na lang. Baka matulad kayo dito.

What if...

What if kung ganito ang CR ng lalake?


I bet hindi lugi ang mga pay-crs sa Ayala.

Monday, July 26, 2010

The Programmer's World

Sa mga hindi nakakaintindi ng kung ano ang mundo namin, tignan ninyo ito and reflect.

Friday, July 16, 2010

Pasukan na!!!!

Ngayong pasukan na (well, 1 month na pala ang nakaraan), gusto kong mag-aral dito. Balita ko e sobrang enjoy ang mga tao dito at ang dami mong matututunan.

Sino ang gustong sumama sa akin?

Friday, June 18, 2010

Please stay Lebron

Ito lang ang masasabi ko.

It is ok to be a fan of someone or to ask him to stay. But with this? This is way low!!!

Pero, sariling diskarte na lang yan. Hehehe!!!

Note: This is sung by the governor, the mayor, local officials and local residents of Ohio.

Sunday, June 13, 2010

Ang Kabataan. Bow!

Ganito na ba ang kabataan ngayon? Napapaisip lang ako talaga...
At eto pa...

Ang kabataan nga talaga ang kinabukasan ng ating bansa.

Wednesday, June 9, 2010

New Justin Bieber

Ito yung Justin Bieber ng Pinas. I just hope na umabot siya sa Top 10 sa lahat ng mga music charts...sana lang...

Enjoy!!!

Thursday, June 3, 2010

Resignation Song

Sa wakas at natanggap na rin ang aking resignation letter. I'm now counting T-minus 49 days (or T-minus 50 days) bago ako lumipat sa aking bagong company.

Yeahmen!!! I'm so damn excited!!!

Kaya sabay-sabay nating kantahin ang kantang "Bink's Sake" na I dedicate (or we dedicate) sa aking pag-resign sa company ko.

Pero bago yan, konting history kung bakit ito ang naging resignation song ko.

(Note: ang susunod na magta-type is yung girlfriend ko na pinagmulan nito...)

Nung mga unang panahon ko sa aking unang trabaho, kabilang ako sa "Murneng Sheep Crew", well, kasi kami ay nasa morning shift (6am-3pm). At dahil sa halos lahat ng mga kasama ko dito ay mahihilig sa anime, isang araw ay pinatugtog itong kantang to ng aming team lead. Eh sa nakakatuwa ang kanta, natuwa na rin kami sa kantang yun at mula nun ay parati na naming kinakanta yun tuwing masaya ang aura sa opisina.

Nagdaan ang maraming buwan at projects at napunta na kami sa iba-ibang shift, dumating sa point na talagang hindi na namin ito pinapatugtog at "parang" nabaon sa limot, hanggang kailan lamang e ipinost ang video nito ng isang miyembro ng Murneng Sheep sa kanyang facebook wall at ayun, bigla na lamang namin binalikan ang aming masasayang araw noon.

Nang aking pinanuod ang video na nakapost, ibinalita ko rin kay bf ang kantang ito. E tamang-tama, natanggap siya sa isang kumpanyang inapplyan niya, at approved na ang resignation niya, kaya ayan, kinakanta na niya ngayon. Kasi, dahil approved na ang resignation niya, makakawala na rin siya sa presong trabaho niya.

Ang Bink's Sake ay kanta ng mga pirata (or basta traditional na awitin, in this case, sa anime na tungkol sa mga pirata na One Piece) na kinakanta tuwing may masayang selebrasyon, pero natutugtog din sa mga malulungkot na pagtitipon depende sa instrumentong ginamit (tulad kung halimbawang solong violin).

Mapapansin din sa video na sa bandang huli e namatay sila isa-isa. Katulad ng Murneng Sheep, isa-isa na rin kaming nag-resign sa company, hanggang sa ang team lead at isang junakis na lang niya ang natira doon.

(ok, balik ulet kay bf...)

Ngayon ay naintindihan na natin kung bakit ito ang aking resignation song ko. Actually, kakantahin ko siya bago ako umalis.

Ito na ang video. Sana magustuhan ninyo at sana sabayan ninyo kung kayo man ay maglalagas sa company na mahal ninyo.

Sunday, May 23, 2010

The Law of Programmers

Noong nagsisimula pa lang ako bilang isang programmer, ang dami kong mga tanong like, "Paano ito?" o kaya "Paano ganyan?". Parang hindi ako marunong gumawa ng saril kong diskarte sa isang issue. Doon ko rin nalaman na marami na palang naiinis sa akin at tinatanong ako: "Programmer ka nga ba talaga?!?!?!"

 
Hanggang sa nalaman ko itong Law of Programmers at nagsimulang nagbago ang lahat. Kaya, gusto kong i-share ito sa inyo. Hindi ko na siguro kailangan pang i-explain pa kasi self-explanatory naman. Kung hindi pa ninyo alam, ewan ko na lang.
  • RTFM = Read That F*cking Manual.
  • Google is your bestfriend.
  • Phone a friend.